Kahit sabihin pang student loan, credit card o car payment basta kahit anong klaseng utang ay nagdadala ito ng stress at bigat sa buhay.
Huwag mag-alala, gawin lang priority na makaahon sa utang hindi man madali; pero kailangang maging determinado na mabayaran ang loan.
Mas mabilis na mababayaran ang utang kapag inilista ang interest rate ng kinuhang loan.
Kasi mabilis lang sa atin na itago ang bills at hindi man lang sinisilip. Ilabas ang bills at ilista ang utang mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki.
Isulat ito ng sunud-sunod mula highest rate hanggang sa smallest rate. Dahil ang pinakamalaking rate ang umuubos ng iyong pera at ito dapat ang unahing bayaran.
Kapag nailista na ang lahat ng detalye, saktong alam na ang pinakamakaling interest rate debt na loan ang dapat bantayan para bayaran.