Grapefruit Nakakatapyas ng Taba

BURP FACT

Ang grapefruit ay nagsimula nang i-cross breed ang pomelo at orange noong 18th century.

Mababa ang calorie content ng grapefruit ngunit mataas ang nutris­yon nito na maganda sa ating katawan. Maganda itong source ng vitamins A at C. Nakakaapekto rin ang pagkain nito sa blood sugar at insulin levels ng ating katawan.

Ang isa sa mga bene­pisyo ng pagkain nito ay a­ng pampababa ng timbang. Hindi man ito nababanggit sa mga “miracle” na pampapayat pero kapag isinama ito sa regular na diet ay nakakapayat.

Sa isang pag-aaral na ginawa kung saan isinama sa diet ang pagkain ng kalahating fresh grapefruit at pag-inom ng placebo capsules tatlong beses kada araw bago kumain, nakabawas ng 3.52 lbs, sa loob lang ng 12 linggo ang mga gumawa nito.

Kaya naman kung gusto n’yong magbawas ng timbang, subukan n’yong kumain ng grapefruit araw-araw. Burp!

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaa­ring mag-email sa burpnikoko@gmail.com.

Show comments