Kalayaan sa Utang

Mahigpit na bilin ni King David sa kanyang anak na si King  Solomon na huwag manghi­hiram ng pera. Dahil ang may utang ay laging alipin ng nagpapautang.

Kabaligtaran sa sinasabi sa commercial sa TV at offer ng mga bangko na puwedeng magkaroon ng good debt.  

Pero ang totoo, wala nang magiging maganda ang pakiramdam sa pagiging malaya sa utang.

Samantalang kung may utang na kahit wala pa ang suweldo, pero hindi na mapakali dahil ang pera ay mapupunta na sa car loan, credit-card, at iba pang pinag-uutangan sa opisina, kapitbahay, paluwagan, at bangko.

Mag-isip bago mangutang dahil karaniwan na aabot  ng 10 hanggang 20 percent ang patong. Lalo na kung panay lang ang swipe ng credit card na ikababaon sa kautangan.

Samantalang kung makapaghihintay ay puwede munang pag-ipunan hanggang ma-shoot ang target na amount. Kaysa naman sa mabaon at matali ang mga kamay sa utang.

Show comments