Nasira ang Mukha sa Pagpapaganda

Grabe na ‘to!

Dahil sa pagkaadik sa plastic surgery ay nagmistulang “halimaw” ang dating modelong si Hang Mioku. Pagkatapos mag-DIY beauty treatment ay katakut-takot na resulta ang nangyari sa mukha ni Hang. Pagkatapos kasing maubos ang isang bote ng silicone na nabili niya sa black market ay gumamit siya ng mantika para i-inject sa kanyang mukha. Namaga at nasira ang kanyang mukha dahil dito.

Naipalabas sa Korean television ang nangyari kay Hang at maraming televiewers ang nag-donate para maipaopera ni Hang ang kanyang mukha. Sa unang 10 operasyon ay 60g na ng silicone, oil, at iba pang substance ang natanggal sa mukha ni Hang. May karagdagang 200g pa ang natanggal mula sa kanyang leeg.

Hanggang ngayon ay sira pa rin ang kanyang mukha at hinihiling na maibalik pa ang kanyang dating mukha. Nagsimula siya sa kanyang “procedure” noong 28 years old siya nang manirahan siya sa Japan. Na-obsess siya sa pagkakaroon ng malambot at makinis na balat hanggang ayawan na siya ng mga doktor at dito na nga niya inilagay sa kanyang kamay ang lahat. GRABE NA’TO

Show comments