Karaniwan kapag naririnig ang salitang investment ay biglang nagpa-panic. Kasi naman investment palang ay parang tunog komplikado na sa iba; na hindi tulad ng isang simpleng item na puwedeng ibalot at gawing regalo.
Pero bakit hindi baguhin ang mindsetting na sa halip na investment ang term na gamitin para sa paglalaanan sa isang bagay, isipin na binabayaran ang sarili para sa kinabukasan o future. Kung tutuusin, mas madaling mag-invest at lahat kaya itong gawin.
Kailangang matutunang mag-invest para sa sarili sa pamamagitan ng pag-iipon ng pera mula sa suweldo. Mabilis lang ang panahon, hindi namamalayan na sa konting itinatabi ay mayroon nang savings para sa iyong future. Para hindi matukso na magalaw ang savings ay ihiwalay ang accounts na may label na puwedeng ilagay na intensiyon sa retirement plan.
Balang araw ay magpapasalamat na nakapag-ipon ka bilang bayad sa iyong sarili para sa kinabukasan.