Burger Steak ng Jollibee Level up na!

BURP REVIEW

Bukod sa Chickenjoy na gustung-gusto hindi lang ng mga bata kundi ng matatanda ring Pinoy, isa sa paboritong orderin sa ipinagmamalaking fastfood chain ng bansa na Jollibee ay ang burger steak.

May mga nauna nang flavor na sinubukan sa bur­ger patty ng Jollibee pero ngayon ay halos kapareho na ng kanilang original burger steak. Sa halagang P55 ay matitikman n’yo na ang Pepper Cream Burger Steak. May kasama na rin itong regular drink. Classic burger patty ito na ang sauce ay gawa sa cream at nilagyan ng paminta. Mas light ang kulay ng sauce kumpara sa gravy-like sauce ng original burger steak. Mas light din ang lasa nito pero lasang-lasa ang paminta. Mas balanse naman ang lasa dahil sa corn kernels na nakapaiba­baw dito. Burp!

Lasa: 4/5; Presentasyon: 3/5; Pres­yo: 4/5

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Show comments