Grabe na ‘to!
Isang batang lalaki ang minsang tinawag na “turtle boy” dahil sa tumubong parang malaking shell sa kanyang likod. Pero ang sinasabing “shell” ay isang balat na bumukol at naging nunal. Mayroong Congenital Melanocytic Nevus si Didier Montalvo na ang ibig sabihin ay nunal na lumaki at halos matabunan na nga ang kanyang likod.
Pero salamat sa isang British surgeon at naibalik kay Didier ang kanyang kabataan. Tinutukso kasi ang bata at pinagbawalan pang pumasok sa eskwelahan dahil sa paglaki ng kanyang nunal sa likod.
Ayon sa mga lokal sa kanyang bayan, natatakot sila na baka isinumpa si Didier dahil may eclipse nang ipinanganak ito. Hindi naman makayanan ng kanyang ina ang maipaopera si Didier dahil sa mahal ng magagastos.
Nang malaman ng plastic surgeon na si Neil Bulstrode ng Great Ormond Street Hospital sa London ang kalagayan ng bata ay lumipad ito kasama ang kanyang team pa-Bogota sa Colombia para maoperahan ang bata.