Lemon Pang-ihaw sa Malalambot na Isda
BURP TIPS
Papalapit na naman ang summer at uso na ulit ang mga picnic o kaya’y outdoor lunch kung mayroon kayong patio sa bahay.
Isa ang pag-iihaw sa mga paboritong gawin ng mga Pinoy. Ang ilang isda ay iniihaw na nakabalot sa aluminum foil, ang iba naman ay sa dahon ng saging.
Maaari rin gumamit ng lemon kung ang isdang iihawin ay ‘yung malalambot o naka-fillet na. Maghiwa lang ng lemon at ihilera sa ihawan para gawing “base” ng lulutuing isda.
Mas epektibo ito sa mga fillet na isda lalo na ‘yung malalambot tulad ng labahita. Pagkatapos budburan ng asin, paminta, at herbs ipatong ito sa mga hiniwang lemon at patakan ng olive oil.
Maaari nang lutuin ang isda at makasisiguro kayong hindi ito madudurog at mas malasa pa dahil makukuha nito ang amoy ng lemon.
Sa inumin naman ay magandang tingnan ang mga yelo na may disenyo. Para magkalasa ang inyong juice o anumang inumin na ipapares sa outdoor lunch, gumawa lang ng muffin pan citrus cubes.
Sa isang muffin pan, maglagay lamang ng mga hiniwang lemon, orange o kaya strawberry at mint leaves. Lagyan ito ng tubig at patigasin sa freezer.
Magugulat kayo na magandang tingnan sa pitsel ang mga yelo na may prutas. Maglalasa rin ito sa inumin kapag natunaw ang yelo.
Burp!
Para sa mga katanungan at suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, maaa-ring mag-email sa [email protected]
- Latest