Masakit ang Tiyan, Puson, at Balakang (11)

Ang pananakit ng tiyan, balakang, puson, at likuran ay puwedeng simpleng problema lang ang dahilan pero maaa­ring may seryosong dahilan ito.

Puwede rin namang dahil ito sa  Irritable Bo­wel Syndrome. 

Ang Irritable Bowel Syndrome ay karaniwang disorder  na nakakaapekto sa large intestine (colon). 

Ang Irritable bowel syndrome ay nagiging dahilan ng cramping, abdominal pain, bloating, gas, diarrhea, at constipation. 

Bigla-bigla na lang ma­raramdaman ang sakit sa tiyan.

Maaaring mawala ang nararamdamang sakit pagkatapos ‘magbawas.’

Ang mararamdaman pain ay depende kung mayroon kang constipation o diarrhea. Mas lalala ang mga sintomas kapag dumarating ang period.

Makararamdam din ng pressure kapag nagbabawas. Minsan ay pakiramdam mo’y nailabas mo nang lahat ngunit parang mayroon pang naiwan. May ma­raramdaman ding kakaiba sa tiyan na parang puno ang tiyan.

Ang IBS ay isang chronic condition na kaila­ngang i-manage ng long term.

Show comments