1. Uminom ng isang basong malamig na tubig na may honey para ma-shock ang iyong sistema.
2. Magbabad ng isang kutsaritang asukal sa bibig ng limang segundo. Hayaang matunaw ang asukal nang hindi nginunguya. Sumipsip ng tubig at mawawala ang sinok.
3. Uminom ng kalahating kutsaritang suka at sundan ito agad ng isang basong tubig.
4. Maglagay ng 1 kutsarang peanut butter sa bibig at ibabad ito ng ilang segundo bago lunukin nang hindi ito nginunguya. Uminom ng tubig kung kinakailangan.
5. Maghalo ng juice ng isang lemon at kalahating baso ng tubig. Inumin agad para matanggal ang pagsinok.
6. Magbabad ng 1 kusaritang pinatuyong chamomile herb sa isang tasa ng tubig sa loob ng 10 minuto. Dahan-dahan itong inumin.
7. Uminom ng kaunting softdrink hanggang makadighay. Ang pagdighay ay nakatutulong sa pagpapatigil ng sinok.