Mas madaling umiwas sa gastos at hussle ng pagbisita sa doktor, kaysa mag-over-the-counter ng sariling prescription sa nararanasang sakit o physical discomfort sa katawan.
Sa malas, mas maraming consequences o masamang epekto ang kahihinatnan sa sariling medication. Ang self-medication ay ang practice ng paggamit ng self-prescription o over the counter drugs na hindi kinokonsulta ang sintomas sa medical doctor. Iba’t iba ang dahilan kung bakit mas pinipili ang self-medication. Ang iba ay gustong resolbahin sa sariling isyu dahil walang pang doktor. Meron ding takot na malaman ang medical diagnosis.
Madalas na imbes na gumaling sa sakit ay mas lalong lumalala ang sintomas at mas nagkakaroon pa ng kumplikasyon dahil sa inaccurate ang diagnosis. Nadi-delay din ang medical advice. Ang bawat gamot ay may specific na panlaban sa bawat infection. Tanging medical doctor lamang ang dapat magbigay ng prescription para hindi rin ma-overdose. Kaya mas lumalala rin ang kondisyon ng pasyente. Kapag nahalo pa ang gamot sa hindi safe o ligtas na prescription ay mas lumalaki pa ang gastos ng gamutan.
Kaya iwasan ang self-medication, kundi magpakonsulta sa medical professional doctor.