Gustong Magpaiwan

Dear Vanezza,

Excited ang lahat ng pamilya ko na pupunta na kami sa Australia. Pero nakikiusap ako kay papa. Kung puwede akong maiwan. Una takot ko dun magkolehiyo, ma-bully, walang akong friends, at nandito ang nililigawan ko. Pero naka-schedule na ang alis namin. –Randy

Dear Randy,

Ngayong pa lang ay i-Google mo na ang kultura, values, at lugar sa Australia. Para hindi ka masyadong ma-culture shock. Higit sa lahat ay huwag ka munang maging negative. Sa tamang panahon ay makakabalik ka rin uli sa ‘Pinas. Puwede mo pa rin makausap ang babaeng type o sa social media.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments