^

Para Malibang

Sign ng Maturity

MOVE ON NA TEH! - Miss Violet - Pang-masa

Minsan ay napakahirap makipag-usap sa taong ma­lapit sa iyo magsabi ng “no” o tumanggi sa kanilang request.

Maaaring kailangan ng favor, loan, umangkas, o makisabay sa pag-uwi pero hindi naman lahat ay available na magbigay ng tulong. Kahit ang mga professional na tao ay hirap magsabi ng “hindi” o “no” sa kliyente, kaibigan, at pamilya na isang tricky na scenario. Dahil sa nerbyos at takot na masira o ma-damage ang relasyon.

Payo ng expert, tanggihan agad ang kausap kung hindi kayang gawin ang hinihinging favor. At kung hindi talaga puwedeng isingit sa schedule.

Huwag nang paghintayin o  i-hang ang kaibigan ng ilang araw at weeks na inaasahan na makalimutan na niya ang request.

Ipaliwanag din ng de­retso na depende sa nature ng relasyon na maaaring sabihin kung bakit hindi puwede. Laging concise at honest na laging maiintindihan ng kaibigan. Pero sa ibang tao ay huwag nang masyadong over explain pa ang buong kuwento ng buhay.

Tandaan ang  pag­sasabi ng “no” ay sign ng maturity ng isang tao.

Dahil hindi ka rin naman ipapaospital o ipapagamot ng kaibigan at kamag-anak mo kapag nagkasakit ka sa sobrang pagsasabi ng oo sa kanilang favor.

Ngayong taon, turuan ang sarili na tumanggi at magsabi ng “no”.

SIGN NG MATURITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with