Oras ng Katapangan
Ang takot ay naghahadlang sa bawat indibidwal. Naglilikha ito ng alalahanin sa puso, nagpapagulo sa isipan, at inuubos ang lakas kahit ano pa ang ginagawa. Kung sa nakalipas na taon ay iginapos ng kahit anong klase ng takot; ngayong bagong taon ay dapat matutunan na harapin at labanan ang nakakasirang emosyon ng pagkatakot.
Kundi magkaroon ng courage o tapang na nagsisimula sa Panginoon. Simulan na magpokus kung anong plano ng Diyos sa buhay. Magkaroon ng malinaw na direksiyon na dapat sa lahat ng hakbang ay ihabilin ang lakad sa Panginoon. Ang lakas ng loob ay higit pa sa pagiging determinado para magtagumpay. Maaaring nakararanas na nag-iisa. Pero huwag kalimutan na ang Diyos ay 24/7 online. Para tulungang mapaglabanan ang lahat ng pagsubok na kakaharapin.
Ang taong matapang ay makararamdam pa rin ng takot, pero sa biyaya ng kapangyarihan ng Panginoon ay puwedeng magkaroon ng buong tiwala at kapayaan sa buhay.
- Latest