Ang Aye-Aye ay matatagpuan lamang sa isla ng Madagascar.
Sa unang tingin ay hindi mo aakalaing primates pala ang nasabing hayop. Konektado sila sa mga chimpanzee, apes, at sa ating mga tao.
Maaaring kulay itim sila o brown at makikilala sila sa kanilang buntot na mas malaki pa sa kanilang katawan.
Ang Aye-Aye ay ang tanging primate na gumagamit ng echolocation.
Ang echolocation ay ang paggamit ng tunog at echo para mahanap ang tina-target nilang pagkain. Ginagamit din nila ito para hindi sila mawala.
Ang mga dolphins at whales ang mga hayop na kilala sa paggamit ng echolocation.
Isa sa nakakamanghang kakayanan ng Aye-Aye ay ang paggamit ng kanilang pangatlong daliri (na siyang pinakamanipis) para lumipat sa ibang puno at makainom.