Ang brown o tan color ay protective mechanism sa balat. May cells sa ilalim at labas ng epidermis na tinatawag na melanocytes na naglalabas ng melanin. Ang trabaho ng melanin na kulay brown o tan ay proteksiyon ng skin cells. Sa ibabaw ng melanin ay may nucleus na panlaban sa UV radiation na humihigop ng sobrang rays na dahilan ng mga sakit sa balat.