Pasta ala-Longganisa
Burp Recipe
Pasta ang isa sa karaniwang makikita na nakahain sa mesa sa kahit anumang okasyon sa Pilipinas maging Pasko man, Bagong Taon o birthday.
Pero alam n’yo bang sa lalawigan ng Ilocos ay paboritong ihalo sa pasta ang Ilocos longganisa? Maging si Ilocos governor Imee Marcos ay paborito ito.
At dahil panahon ng Kapaskuhan, maaari nating ipalit ang longganisa ng ilocos sa nakasanayan nang pagluluto ng pasta na hinahaluan ng halong giniling na baboy. Narito ang recipe ng ating reader na si Ms. Mel Cabigting. Burp!
Mga Kinakailangan Sa Pagluluto
- Kalahating kilo ng Ilocos longganisa
- 2 kutsarang olive oil
- dinikdik na bawang
- sibuyas na hiniwa ng maliliit
- kamatis na hiniwa ng maliliit
- 3 kutsarita ng suka, maaari ring gumamit ng apple cider vinegar
- ½ tasa ng tubig mula sa pinakuluang pasta
- 500 grams ng pasta
- parmesan cheese
- chili flakes
Paraan Ng Pagluluto
1. Lutuin ang langganisa.
2. Durugin o ligisin ang langganisa hanggang sa maging parang giniling. Hanguin at itabi muna.
3. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
4. Ihalo ang giniling na longganisa at pakuluin.
5. Ilagay ang suka o apple cider vinegar at lagyan ng tubig.
6. Ilagay ang pasta at haluin.
7. Lagyan ng parmesan cheese at chili flakes base sa nais na anghang at ihain.
Para sa mga katanungan, suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa [email protected]
- Latest