Harina Panlinis ng Granite
Mahal ang magpagawa ng bagong countertop sa kusina lalo na kung gawa ito sa granite. Pero may madaling paraan para maiwasan ang lalong pagkasira ng granite at makaiwas sa mas malaking gastusin.
Kung may mga crack, bakbak, at gasgas na ang granite countertop, maaari pa itong solusyunan sa pamamagitan ng pagpahid ng layers ng epoxy resin na kakulay nito. Linisin muna ang countertop gamit ang acetone para matanggal ang mga dumi at grasa na namuo. Pagkatapos ay pahiran ito ng epoxy resin hanggang magpantay.
Sa mga mantsa naman ay maaaring panlinis ang paste na gawa sa harina at hydrogen peroxide. Nakatatanggal ito ng grasa, mantika, bleach, at ink stains.
Sa pagtanggal naman ng mantsa mula sa alak ay maghalo lamang ng harina at bleach.
Ito po ang inyong kumpunerong kuya na nagsasabing kung gusto ay maraming paraan!
- Latest