Gustong takasan ang pamilya

Dear Vanezza,

May pangalawa na pong pamilya ang papa at mama ko. Kaming tatlong magkakapatid ay naiwan sa tita ko na kapatid ng papa ko. Pero ang pangalawang asawa ng papa ko ay iniwan din siya tulad ng mama namin. Bale ba may bago na namang nobya ang papa ko ngayon. Anim na kaming magkakapatid ngayon na sama-sama sa bahay ng tita ko. Hirap na nga siyang pag-aralin kami. Ako kailangan ko pang tumigil sa studies ko dahil ang laki na ng account namin sa pinapasukan kong private school. Nagagalit ang papa ko dahil puro raw ako bulakbol. Hindi lang niya alam na nahihiya ako sa laki ng utang namin. Tapos madalas wala pa akong baon. Desedido na akong mag-stop kahit graduating ako sa 10th level. Para lang makatakas sa bahay namin at makatulong na rin sa pambayad sa school. Nahihiya na rin akong mag-aral dahil ako ang pinakamatanda sa school namin. – Jojo

Dear Jojo,

Kung hindi ka pa pinatitigil ng papa mo na mag-aral, sana ay ituloy mo pa rin. Dahil sayang ang panahon. Huwag kang mahiya sa iyong edad ang mahalaga ay makatapos ka para maituloy sa senior high school na puwede naman sa public school. Para makapag-aral ka rin sa college balang araw. Kung hindi mo type ang style ng kanyang pagpapamilya, ngayon pa lang ay matuto ka na. Para balang araw huwag padalus-dalos sa pag-aasawa nang hindi matulad sa naging kapalaran ng iyong ama.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments