May iba’t ibang tradisyon ang mga ikinakasal at isa sa mga kakaibang tradisyon ay ang “Blackening the Bride” ng Scotland.
Ang nasabing tradisyon ay ginagawa bago ikasal ang isang babae. Kung ang bride-to-be sa ibang bansa ay binibigyan ng mga bridal shower at nag-i-enjoy kasama ang kanyang mga kaibigan, iba ang nangyayari sa Scotland.
Sa Blackening na tradisyon ay binabato ang ikakasal ng mga itlog, bulok na gatas, at iba pang mga nakakadiring bagay. Pagkatapos madumihan at magmukhang kaawa-awa ay ipaparada ang babae sa buong nayon upang ipakita siya sa lahat. Ang nasabing tradisyon ay pinaniniwalaang makapagbibigay ng lakas at paghahanda sa ikakasal para sa mga kakaharaping pagsubok ng buhay may-asawa.
Ito rin ay sumisimbulo umano ng paghahanda sa bride-to-be para sa bagong kabanata ng buhay na kanyang papasukin.