Direktor ng sariling happiness

Ang sariling happiness ay responsibilidad ng bawat indibidwal.  Parang mahirap gawin, pero ang totoo ang sa­riling happiness ay ikaw mismo ang may kontrol. Dahil ikaw ang direktor ng iyong buhay.

Kaso kalimitan ang happiness ay itinatali sa external factor tulad ng ibang tao kaya hindi ikaw ang nakaupo sa director’s chair ng sariling buhay.  Kaya panay na lang ang sunod sa gusto ng iba. Bakit hindi subukan na mag-create ng sari­ling kaligayahan at i-enjoy ang buhay.

Sabi ng expert, simulan ito sa pagsusulat ng mga achievement. I-train ang isip na maghanap ng positibong bagay sa paglilista ng mga nakamtan o nagawa. Maging ito ay physical, personal, goals na natupad, bagay na nagawa, at mga lugar na napuntahan.

Madalas kasi, mas busy sa pag-iisip ng negatibo, kaysa magpokus sa bagay na nagawang tama.

Hindi lang ang maliliit na activity ang magdadala sa positibong bagay, hindi namamalayan na masusorpresa na marami ka na palang nagawa at narating sa buhay. Basahin ang iyong listahan na makararamdam na worth a million bucks dahil sa mga na-achieve sa buhay na hindi ka­yang ipagpalit o bayaran ng kahit magkanong halaga.

Show comments