‘Superheroes’ nagpaligaya ng mga batang may sakit

Grabe na ‘to!

Tatlong “superhero” ang nagpasaya sa mga ba­tang may malulubhang karamdaman sa Hospital Sabará Infantil sa São Paulo, Brazil. Tatlong ta­galinis ng bintana sa nasabing ospital ang nagsuot ng costume nina Superman, Batman, at Spider Man ang nagpaligaya sa mga bata habang nakalambitin sa gilid ng ospital at naglilinis ng mga salamin na bintana. Hindi nila alintana ang mainit na costume para lamang mapasaya ang mga batang may sakit.

Naisip itong gawin ng management staff ng ospital para ipagdiwang ang Children’s Day noong Oktubre 12. Tuwing Children’s Day ay nakatatanggap ng mga regalo ang mga bata mula sa kanilang mga magulang. Pero ang mga batang may sakit sa Hospital Sabará Infantil ay kakaibang regalo ang natanggap nang makita ang mga paborito nilang superheroes.

Hindi ito unang beses ginawa dahil nagawa na rin ito sa ibang bansa at siguradong gagawin din ito ng iba upang makapagbigay-ligaya sa mga bata sa ospital.

Show comments