Mas pinipili pa rin ng mga Filipino overseas workers na may edad na lampas 30 years old pataas ang maghanap ng ibang trabaho sa ibang bansa, pagkatapos ng kanilang kontrata sa isang kompanya.
Dahil kahit may batas na ng bawal ang age limit at job discrimination sa ‘Pinas, karamihan ay konti pa rin ang oportunidad para sa mga skilled workers na Pinoy na nabibigyan ng pagkakataon na magtrabaho sa bansa.
Samantalang sa ibang bansa basta’t may working visa at passport ay mas madaling ma-hire ang mga highly skill workers na Pinoy.
Kahit nasa edad na ng 60 years old hanggang kaya pa ay pinapayagan pa rin na magtrabaho, basta ito ay qualified at fit to work ang OFW kahit ang ibang lahi. Maging sa KFC Canada na ang isang emplayado ay 74 years old na ay nagtatrabaho pa rin sa nasabing food chain.
Wish ng lahat na mga Pinoy ay maging patas din sa bansa ang pag-apply ng trabaho sa ‘Pinas nang hindi na kailangan pang lumayo sa sariling pamilya.