1. Gumawa ng green smoothie mula sa 1 tasang kina (kale), 1 green apple, 1 hinog na saging, 1/2 tasa kinchay. I-blender ito kasama ang 2 1/2 tasa ng tubig. Uminom ng 1 tasa ng smoothie araw-araw at dagdagan ang pag-inom nito sa loob ng isang araw ng hanggang 4 na tasa. Gawin ito sa loob ng tatlong linggo.
2. Uminom ng raw juice tulad ng apple, carrot, grapefruit, spinach, blueberry, orange, cucumber o lettuce. Mas maganda kung juice na mula sa green vegetables ang iinumin dahil nagtataglay ito ng chlorophyll.
3. Uminom ng 1 tasang mainit na tubig na may juice ng isang lemon. Gawin ito araw-araw pagkagising sa umaga.
4. Uminom ng 3 tasa ng green tea araw-araw. Maaari rin uminom ng green tea extracts (100-750 mg kada araw).
5. Magpakulo ng 2 kutsaritang pinatuyong ugat ng dandelion sa 1 tasang tubig. Palamigin ng 10 minuto bago inumin. Gawin ito isang beses sa umaga at sa gabi.
6. Uminom ng 1 tasang licorice root tea araw-araw.
7. Maghalo ng 1 kutsaritang turmeric powder, juice ng 1 lemon, 1 kurot ng cayenne pepper at kaunting honey pampatamis sa 1 tasang mainit na tubig. Inumin ito 1 beses sa isang araw.