Ano ba ang gusto sa buhay? Bakit? Ano ang motibo? Kailangang tanungin ang sarili ng mga ganitong tanong na may katapat na goals o layunin sa gagawing bucket list ng buhay.
Ang sagot sa mga tanong ay makatutulong na magkaroon ng determinasyon kung gusto o hindi ang iniisip sa hinahangad sa listahan na gagawin.
Huwag magmadali, kundi mag-reflect sa iyong layunin. Umupo at isulat ang out line sa mga sagot sa tanong at ito ang magbibigay ng oras para maihanda ang sarili na magkaroon man ng problema.
Huwag sayangin ang oras na hintayin na ma-experience ang life. Ikaw mismo ang magdesinyo ng bawat moment na gustong maranasan sa buhay.
Habang pinaghahandaan ang bucket list, mas nahahamon ang ibang miyembro ng pamilya na gumawa ng sarili nilang listahan na gagawin sa kanilang buhay.
Sa pagsi-share ng listahan sa bawat isa ay puwedeng magtulungan, suportahan, at hamunin ang mahal sa buhay para mas madaling maranasan at ma-enjoy ang pagharap sa buhay kasama ang pamilya.