Bisa ng pag-inom ng tsaa
Maraming klase ng tea o tsaa tulad ng white tea, green tea, yellow tea, black tea, oolong tea, pu-erh tea, at marami pang iba na lahat ay galing sa iisang halaman na camellia sinensis. Ngayong lumalamig na ang simoy ng hangin, bukod sa masarap uminom ng tsaa ay marami rin benepisyo ito sa kalusugan.
Ang pag-inom ng green tea bago matulog ay nakatutulong na ma-burn ang mga calories habang natutulog. Ang green tea ay nagpapataas din ng paggana ng metabolism. Kapag hind rin makatulog o may insomnia ay uminom naman ng Chamomile Tea; kung may sipon, ubo, at lagnat ang ElderFlower Tea ang katapat nito, na puwede ring ipangmumog kapag masakit ang lalamunan; kung stress ay maghanda ng Lemon Balm Tea; nakararamdam ng hilo ay swak ang ginger tea; kung bloated ang pakiramdam ay magtimpla ng peppermint tea. Ang lahat nang nabanggit na tea ay nakatutulong sa digestion pagkatapos kumain.
- Latest