Ipinanganak si Hachiko noong November 10, 1923 sa Japan. Siya ay isang Akita dog na kilala sa kanyang natatanging pagmamahal sa kanyang master o amo na si Professor Ueno. Araw-araw ay sinusundo niya si Professor Ueno na galing sa trabaho sa Shibuya train station.
Biglang namatay si Professor Ueno noong 1925 pero hindi pa rin tumigil si Hachiko sa pag-aabang sa kanyang amo sa Shibuya station, umaasa na isang araw ay masusundo niyang muli ito.
Nakuhanan pa nga ng litrato si Hachiko habang naghihintay sa professor na ngayon nga ay viral sa social media.
Nagpatuloy ang kanyang ritwal ng siyam na taon pa hanggang tuluyan nang namatay si Hachiko noong March 8, 1935.
Dahil sa pagiging loyalist, ginawan si Hachiko ng bronze statue sa Shibuya station na ngayon nga ay puntahan ng maraming turista ng ilan nang dekada.
After 90 years, mling nagkasama ang mag-amo dahil sa bagong statue sa University of Tokyo, makikitang magkapiling na sina Hachiko at Professor Ueno.