Takot manligaw dahil Bingot

Dear Vanezza,

May kapansanan po ako at isang bingot kaya ang tawag nila sa akin ay ngongo. Hindi ko pa naranasang magkasyota dahil sa aking anyo. Kaya kahit may nagugustuhan ako, hindi ako makadiskarte. Hindi naman grabe ang pagkabingot ng labi ko, pero talagang tipong hindi iibigin ng babae. Isa akong matadero sa palengke. Umiibig ako sa isang tindera. Ligaw-tingin lang ako at alam ko wala siyang BF kahit may mga manliligaw siya. Hindi ba dyahe kung ligawan ko siya? - Jimmy

Dear Jimmy,

May karapatan kang manligaw dahil binata ka naman. Huwag mong gawing balakid ang iyong pisikal na anyo. Sa tingin ko’y mayroon kang inferiority complex dahil sa kapansanan mo. Paglabanan mo at makakakita ka ng babaeng mamahalin at magmamahal din sa iyo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments