Baking Soda at Suka pantanggal ng bara
Hindi maiiwasan ang pagbara ng lababo lalo na kung wala kayong filter. Kung hindi malilinis nang maayos ang mga pinagkainan bago hugasan ay siguradong magbabara ito.
Ang simpleng pag-pump at pagsungkit sa mga bara ay hindi nakatutulong minsan. May mas epektibo kaming tip para mas mabilis “malusaw” ang bara sa mga lababo o kahit saang drainage.
Maghanda lamang ng kalahating tasa ng baking soda at ibuhos ito sa lababo. Sundan ito ng kalahating tasa rin ng suka. Takpan ng basang tela ang drainage at hayaan ang chemical reaction sa pagitan ng suka at baking soda. ‘Wag mangamba sa parang pagkulo nito, ito ang prosesong magtatanggal sa bara. Pagkatapos ng limang minuto ay buhusan ng mainit na tubig at presto, tanggal na sigurado ang bara sa inyong lababo.
Ito po ang inyong kumpunerong kuya na nagsasabing kung gusto maraming paraan!
- Latest