Sa India ang baka o cow ay sagrado. Pinaniniwalaan ng mga Hindu na ang baka ay sinisimbolo ng mundo na nagbibigay at nagpapakain sa maraming tao. Kinakatawan din ng baka ang buhay at pagsuporta sa mga nilalang. Kaya kapag naabutan ng baka sa kalye ay hinihintay itong makatawid at hindi binubusinahan.