Chopsticks sagrado sa Japan

Chopsticks ang pangunahing eating utensils kung kakain sa Japan. Ngunit may mga hindi dapat gawin kung ito’y gagamitin sa pagkain. Ayon sa tradisyon ng mga Hapon, masamang paglaruan ang chopsticks. Hindi rin dapat ito ginagamit na panduro sa ibang tao. Kabastusan din kung tutusikin ang pagkain gamit ang chopsticks. Kung hindi ka marunong gumamit ay pag-aralan muna ito. Mas maganda namang gumamit na lang ng kamay kung kakain ng mga sushi. Kaysa mahirapan at magmukhang katawa-tawa sa pagkain.

Kung kakain naman sa isang salu-salo, dapat ay ang kabilang dulo ang gamitin sa pagkuha ng pagkain at hindi ang dulo na isinusubo sa bibig. Bukod sa pagi­ging kabastusan, hindi rin ito malinis dahil maghahalu-halo ang inyong mga laway.

Hindi lahat ng bansa sa Asya ay pare-pareho ang tingin sa paggamit ng chopsticks. At sag­rado nga ito sa Japan.

Show comments