Late bloomer na anak
Hindi maiwasan na mga anak na late bloomer na kakaiba sa kanilang mga kapatid. Dahil mayroon silang sariling oras na madalas sa tingin ng iba ay may kabagalan. Pero kung tutuusin ay hindi ito bad quality sa estado ng anak. Dahil kapag pinilit na i-push sa natural nito ay mas magiging malala o masama ang epekto.
Sa ganitong paraan ay kailangang magtiwala ang mga magulang sa sariling timing ng mga late bloomer na anak.
Sa tamang exposure ng activities ng bata ay unti-unti ring matuto at mag-step up ang anak kapag ito ay handa na sa isang bagay. Alam din ng bata kung kailan siya ready, pero madalas ay nag-aalangan pa ang anak.
Kailangan lang ng timba-timbang pasensiya, pagtitiwala, at matutuhan ang tamang agenda para sa anak. Huwag pilitin sa natural na timing ng anak dahil ito ang kanyang katangian na kakaiba sa lahat.
- Latest