Ang Microsoft billionaire na si Bill Gates ay isang avid reader.
Katunayan ay habit na nito ang magbasa ng libro ng isang oras gabi-gabi. Hilig na nito ang iba’t ibang topic mula politics hanggang sa current events.
Maliban sa benepisyo na nakakukuha ng bagong kaalaman, ang pagbabasa ay nakababawas din ng stress at nagpapa-improve ng memory.
Sa pag-aaral ng University of Essex ay napatunayan na ang reading time na kahit 6 minutes lang sa isang araw ay nakababawas ng level ng stress hanggang 68%.
Ang isa pang magandang epekto ng libro at reading gabi-gabi ay nakabubuti ito sa long term health ng brain. Tuwing nagbabasa ay nagsisilbing itong mental workout ng inyong utak.
Sa research, naipakita na ang taong nagbabasa ay nagigising o pinapagana ang isipan sa pamamagitan nga ng reading. Halos 32% ay nababawasan din ang pagiging ulyanin o makakalimutin habang nagkakaedad.