Himala ng cherry fruit
Burp Fact
Napakaliit ng cherry pero malaki ang benepisyo nito sa katawan ng tao. Alam n’yo ba na ang cherries ay nakapagpapababa ng sintomas ng arthritis at risk sa cardiovascular diseases maging diabetes? Tama and basa n’yo at kahit powdered cherry ay malaki ang epeketo nito.
Ang cherry ay may mataas sa antioxidants at iba pang phytochemicals na nakakaganda sa kalusugan ng tao sa maraming paraan.
Kung masarap kainin ang sweet cherries, mas mainam na lunas sa pamamaga ang tart cherries. Bukod sa nakakabawas sa pamamaga at arthritis, ang cherry din ay panlaban sa gout, nakababa ng body fat at nakabababa rin ng cholesterol level. O, nabasa n’yo ha? Mainam itong pangdiyeta. Kaya kung ako sa inyo gagawin kong parang mani ang cherry. Hahaha. Burp!
Para sa mga katanungan at suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, maaaring mag-email sa [email protected].
- Latest