Marami ang hindi nakakaalam kung gaano kaepektibo ang pagbibigay ng encouragement sa mga bata.
Habang lumalaki ang mga anak ay bitbit nila ang mga magagandang salitang kanilang naririnig.
Magandang ugaliin na magsalita ng positibo sa anak tulad ng love mo sila kahit anong mangyari. Puwede rin sabihin na “may tiwala ako sa iyo,” “alam kong kaya mo ‘yan,” “you are strong,” “trust your instinct,” “you are imperfect, so am I,” “you can change your mind,” “you can ask help,” “’Di mabait ka?” at marami pang iba.
Ang malimit na pagsasabi ng positive na phrases sa anak ay nagtuturo ng kabaitan sa bata na siyang gagayahin at sasabihin din niya sa iba.