Technique sa interview
Maraming classic na tanong pagdating sa job interview na dapat ay handang sagutin. Dapat ay may kasamang technique sa pagsagot para magmukhang stand out sa interview.
Madalas sa mga interview ay hindi lang tinitingnan kung gaano kalawak ang information na alam. Kundi pati ang poise, style ng pag-deliver ng sagot, at maging ang communication ability kung paano ipresenta ang sarili.
Kapag tinanong na magsabi patungkol sa sarili, tandaan na huwag magkukuwento ng mga bagay na mula sa pagkabata, sariling hobbies. Bagkus ay maging professional at magsabi ng tungkol sa career at work experiences na kaugnay sa hinahanap na posisyon. Huwag kalimutan na magdala ng mga credential bilang support sa sinasabi.
Maghanda rin ng statement kung paano ilalarawan ang sarili at kung paano makukumbinsi ang interviewee na maging bahagi ka ng kompanya.
Ipaalam ang iyong qualities at achivement na derektang may relasyon sa responsabilidad ng trabaong inaaplayan. Magbigay ng mga specific na skills, kakahayan na makipagtrabaho sa buong team, at willingness na magtrabaho kahit ng mahabang oras.
- Latest