Forest giraffe

Kahit na tinatawag silang forest giraffe, ‘di hitsurang giraffe ang hayop na okapi.

May mahaba silang dila at ang katawan nila ay parang katawan ng kabayo na may stripes sa mga paa gaya ng zebra.

Ang mga lalaking okapi ay may maliit na sungay.

Lumalaki sila ng hanggang limang talampakan at kadalasan ay mas mabigat ang mga babae (225-350 kg) kesa sa mga lalaki (200 to 300 kg).

Ang mga hayop na ito ay matatagpuan sa African rainforest kungsaan maraming puno.

Territorial din ang mga okapi. Meron silang sweat glands sa talampakan kunsaan ito ay naglalabas ng itim na likido para maalerto ang iba pang hayop sa lugar. Ginagamit din nila ang kanilang ihi gaya ng aso para ipaalam na kanila itong teritoryo.

Pawang mga puno at halaman lang ang kinakain nila dahil sila ay herbivore.

Nakapaglalakad na ang ang bagong panganak na okapi 30 minuto pagkatapos silang iluwal. Hindi rin sila dumudumi ng hanggang dalawang buwan. Ito ay kanilang paraan para umiwas sa nakaambang pa­nganib sa mga pre­dator na pwede silang maha­nap sa pamamagitan ng amoy ng kanilang dumi.

 

Show comments