Para guminhawa sa acid reflux

1. Paghaluin ang 2 kutsaritang organic raw, unfiltered apple cider vine­gar at 1 tasa ng mainit na tubig. Inumin ito 30 minuto bago kumain.

2. Paghaluin ang 1 kutsaritang baking soda at 1 tasa ng tubig. Inumin ito para sa mabilis na ginhawa.

3. Uminom ng 1/4 cup ng aloe vera juice 20 minuto bago kumain. Huwag uminom ng sob­rang aloe vera dahil may laxative effect ito.

4. Ngumuya ng sugar-free na bubble gum sa loob ng 30 minuto pagkatapos kumain.

5. Kumain ng 1 kutsaritang plain yellow mustard para sa mabilis na ginhawa. Kung mas­yadong matapang ang lasa, uminom ng 1 basong tubig.

6. Maghalo ng 2 kutsarang dried marshmallow root sa 4 na tasang tubig. Ibabad lang ang ugad magdamag at salain kinaumagahan. Inumin ang pinagbabaran.

7. Magpakulo ng 1 kutsaritang cumin seeds sa 1 tasa ng tubig. Iwan ito ng 5 minuto bago salain. Inumin ang tsaa sa umaga at pagkatapos kumain hanggang gumaan ang pakiramdam.

Show comments