May isang taong mayaman na nakadamit ng kulay ube at maselang lino na araw-araw ay kumakain ng sagana. At isang pulubi na si Lazaro, na puno ng sugat na nasa pintuan. Naghahangad na mapakain kahit mumo na nangahuhulog mula sa mayaman. Lumapit pati mga aso at hinihimuran ang kaniyang mga sugat.
Isang araw ay namatay ang pulubi at siya’y dinala ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham: namatay din ang mayaman, at inilibing. Ito ay nasa Hades o impyerno ng pagdurusa at natanaw niya sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan. Sumigaw ang mayaman, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka’t naghihirap ako sa alab na ito. Sinabi ni Abraham, Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay. At may malaking bangin sa pagitan ni Lazaro at mayaman. Pero walang makatawid. Nagmamakaawa ang mayaman, na sabihan ang kanyang limang kapatid na lalake patungkol sa impiyerno. Sumagot si Abraham na dapat na sila’y magsisisi. At sinabi niya sa kaniya, kung ‘di nila pinakikinggan si Moises at ang mga propeta, ay ‘di rin mangahihikayat sila, kahit ang isa’y magbangon sa mga patay.