1. Magpakulo ng tubig hanggang sa mag-steam ito. Tanggalin sa kalan ang pinagpainitang kaldero at itutok ang mukha para sa “steam”. Manatali ng 15 minuto sa pag-steam ng mukha bago punasan at maglagay ng moisturizer. Gawin ito 2 beses kada linggo.
2. Magdikdik ng 2 kutsarang asukal para maging pino at powder. Haluan ito ng juice mula sa kalahating lemon at kaunting tubig para maging paste. Ipahid ang paste sa mukha at masahihin ng 3 minuto. Maghilamos ng malamig na tubig at maglagay ng moisturizer.
3. Gumawa ng face mask mula sa 2 kutsarang plain yogurt at tig-1 kutsarang honey at olive oil. Ipahid ito sa mukha at iwan ng 15 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig.
4. Magkuskos ng balat ng lemon mukha at hayaan ng 5 minuto bago magbanlaw ng maligamgam na tubig.
5. Maghalo ng 2 kutsarang baking soda, 1 kutsarang cinnamon powder, juice mula sa kalahating lemon, at 5 kutsarang honey. Ipahid ito sa mukha at iwan ng 5 minuto bago banlawan.
6. Mag-whip ng 1 egg white hanggang maging foam. Palamigin sa ref ng 5 minuto bago haluan ng juice mula sa kalahating lemon. Ipahid sa mukha at iwan ng 10 minuto bago banlawan sa maligamgam na tubig
7. Maghalo ng 1/2 tasa ng lutong oatmeal at 1 kutsarang olive oil. Ipahid ito sa mukha at iwan ng 15 minuto. Punasan ang mukha ng basang towel at magbanlaw ng malamig na tubig.