Naisip n’yo ba kung bakit may maliliit na butas ang crackers? Ito’y hindi lamang dekorasyon dahil kailangan ito sa proseso ng pagluluto. Mahalaga ang mga butas na ito para maluto nang tama ang crackers. May mga butas para makalabas ang steam habang iniluluto ito. Pinananatili ng mga butas ang crackers na flat at para hindi umalsa tulad ng normal na biskwit. Nakatutulong din ang mga butas para maging malutong ang crackers.
Ang nakaaaliw pa, ang position at bilang ng mga butas ay depende sa laki at hugis ng cracker. Kung ang mga butas ay masyadong magkakalapit, magiging tuyot ito at matigas dahil masyadong maraming steam ang kumakawala.
Kung ang mga butas naman ay masyadong layu-layo may parte nito ang aalsa at magkakaroon ng mga bubbles. Burp!
Para sa mga katanungan at suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com.