Malaking bunganga basehan ng ganda
Ang lip plate ay maihahalintulad sa African eargauge o tunnel pero ito ay nakalagay sa labi. Gawa sa kahoy o putik ang lip plate na may iba’t ibang laki. Magsisimula muna ito sa maliit na butas hanggang pwede rin itong maging kasing laki ng ulo ng nagsusuot.
Ang lip plate ay simbolo ng katayuan/estado sa tribo ng nagsusuot sa bansang Ethiopia. Marami rin ibong iba’t ibang meaning depende sa tribong kanilang kinabibilangan.
Sinusuot ito ng mga babae para makaakit ng mapapangasawa at dito rin binabase kung gaano kalaking lupa ang matatanggap ng pamilya ng babae mula sa kanyang mapapangasawa.
Nakikita rin sa African communities ang lip plate bilang paraan para ipahayag ang anuman kanilang nararamdaman. Sa kasalukuyan, banned o ipinagbabawal na ang pagpapakabit ng lip plate ng Ethiopian government.
- Latest