Acid Reflux
Natural na ang diaphragm ay tumutulong na panatilihin ang acid sa tiyan. Pero kung mayroong acid reflux na isang abnormal na nararamdaman sa tiyan na tinatawag na hiatal hernia na namamanhid at tumitigas ang pakiramdam. Ang acid ay maaaring umaangat papuntang esophagus na pinagmumulan ng sintomas ng acid reflux. Ang ilan sa dahilan ng pinanggagalingan ng acid reflux ay sobrang dami ng kinakain; kumakain ng heavy meals tapos ay humihiga, humihilata, sinasandal ang likod o yumuyuko lampas sa baywang pagkatapos kumain; overweight o obese; nagmemeryenda o nag-i-snack kahit matutulog na; kumakain ng citrus, kamatis, chocolate, mint, bawang, sibuyas, maaahang o mamamantikang pagkain; umiinom ng alak, carbonated drinks tulad ng softdrink, fruit juice, coffee, o tea; paninigarilyo; umaatake ang acid reflux kapag buntis; umiinom ng gamot na walang laman ang tiyan; gamot na nagpapalala ng acid reflux tulad ng aspirin, ibuprofen, muscle relaxer, o gamot para sa high blood.
Kailangan baguhin ang lifestyle para magamot ang acid reflux. Tanungin ang doktor kung ang medication na iniinom ay nakati-trigger ng acid reflux. Huwag din magsuot ng sobrang higpit na damit o sinturon. Bawasan ang sobrang dami ng pagkain. Puwedeng smaller meals kahit sa maghapon. Magsimulang mag-ehersisyo at baguhin ang diet. Huwag kumain ng at least 2 to 3 hours bago matulog; subukang matulog sa upuan sa araw kapag nap time. Maglagay ng unan sa ulo na may taas na 4 inches to 6 inches kapag matutulog.
- Latest