Baka lamunin ng lupa...

Panaginip: Dalawang taon na akong biyuda at may isang anak. Napanaginipan kong unti-unting natutunaw ang lupang kinatatayuan ng aming bahay. Ang mga gamit namin ay nilamon ng lupa. Sa sobrang takot na lamunin din kami ng lupa ay umakyat kami ng aking anak sa tutok ng bundok.---RA

Interpretation:Ang iyong panaginip ay bunga ng iyong pag-aalala sa kinabukasan ninyong mag-ina dahil pumanaw na si Mister. Ang pagkatunaw ng lupa ay simbolo ng kawalan mo ng pag-asa. Ang pagtakbo sa bundok ay nagsasaad na sa kabila ng iyong kawalan ng pag-asa, ikaw ay gumagawa pa rin ng paraan para mabuhay kayong mag-ina.

Show comments