Preso sa Palawan, malayang nakapagsasaka
Nagsimula ang Iwahig Prison and Penal Farm noong American Occupation. Matatagpuan ito sa Puerto Princesa, Palawan. Ang dating gobernador na si Luke Wright ang nagpahintulot nito noong Nobyembre 16, 1904.
Noong nagsimula ito ay nahirapan silang patakbuhin ang nasabing kulungan dahil marami ang nagtangkang makatakas pero nang si Col. John R. White na ang namahala taong 1906, naging matagumpay ang pagpapatakbo sa rito.
Ngayon, ang mga inmate ay nagsisilbi ring tour guide sa mga bisita na namamasyal sa lugar, gumagawa sila ng mga souvenir at nag-aaral din ng tungkol sa tamang pagtatanin at pagkakarpintero.
Walang nagtataasang bakod ang nasabing kulungan at wala ring sangkaterbang gwardiya na nakabantay sa kanila pero walang nangangahas na tumakas.
- Latest