Kadalasan ang maliit na detalye ay mas nagbibigay ng malaking impact. Katulad ng pagsusuot ng relo na hindi man parte ng accessory pero kailangang bigyan ng atensiyon.
Kung ang iba ay alipin ng pagbibihis ng damit na inaabot ng siyam-siyam, pero kabaligtaran sa pagsuot ng watch sa wrist. Ang pagpili rin ng watch ay ayon sa taste o style ng isang indibidwal. Sinasabi na ang relo ay pang-finishing touches sa isang outfit. Katulad ng mga kalalakihan na nagsusuot ng suit at expensive na sapatos na mas pinipili ang classy rin na relo bilang sense of completion ng kanyang whole package ng pananamit.
Ganundin kung ang get up ay athletic look puwedeng pumili lang ng sporty strap o metallic para magswak sa character o mood ng nagsusuot ng relo.
Mayroon ding leather strap na pagpipilian para sa rugged taste o outdoor activities ng mga kalalakihan na kung baga sa climax ng pelikula ang relo ang isa sa pamatay na pang porma ng mga men.