Sa research ng mga psychologists ng Heriot-Watt University na ang tipo ng music na pinapakinggan ay nagsasabi rin ng kung anong klase ang personality ng tao.
Ang extrovert na tao na tipong friendly o masayahin ay mahilig sa jazz at classical music. Kabilang din sila sa mga creative at matataas ang score ng IQ. Nag-i-enjoy din ang extrovert sa pop music, latest track nina Rhianna at Selena Gomez. Ang mga pop music lovers naman ay masisipag, mayroong high self-esteem, pero minsan ay hindi rin creative at hindi mapakali sa isang tabi.
Kahit kilala sa pagiging aggressive ang imahe ng mga mahilig sa rock music at heavy metal, pero sa isang banda ang mga fans na mahilig sa style ng ganitong music na ang iba ay mahinahon, mababait, at magagalang. Ngunit karamihan sa kanila ay introvert na suplado o maiingay at nakararanas ng low self-esteem.