Sungki sa Japan pinagkakagastusan!

Ang tamang pag-aalaga ng ngipin ay talagang pinagkakaabalahan ng maraming tao. Mahalaga kasi ito sa pakikipagsalamuha kung kaya’t dapat ay presentable ang ating ngipin.

Maraming tao sa Amerika at maging sa ibang panig ng mundo ang gumagastos ng libu-libo para sa kanilang dental care. Nagpapa-braces sila para diretsung-diretso ang kanilang mga ngipin. Marami na ring naimbentong paraan para ang madilaw na ngipin ay halos makasilaw sa puti.

Pero ibang-iba sa mga paniniwalang ito ang bansang Japan. Sa nasabing bansa, sikat na sikat ngayon ang pagkakaroon ng Yaeba. Isa ito sa pinapangarap ng mga Japanese teenager.

Payag ang mga Ha­pon na gumastos ng ma­laki para ipahatak ang isang ngipin pa­punta sa isang direksyon na sa tingin nila ay kyut kapag sila ay ngumiti. Sa ating mga Pinoy, ang Yaeba ay ang pagkakaroon ng sungki.

Ang ibig sabihin ng Yaeba sa salitang hapon ay “double tooth.”

 

Show comments