Window Cleaning Ban sa HK
Lahat ng Filipino overseas workers na nagtatrabaho sa Hong Kong ay nagpapasalamat sa mga migrante at Phil. Consulate dahil simula kahapon Oc.t 15, 2016, ay ipinatupad na sa nasabing bansa ang pagba-ban na paglilinis ng mga domestic helper ang labas ng bintana sa bahay ng kanilang amo sa matataas na building o palapag na hindi ligtas o walang window rail.
Ang bagong policy ng window cleaning ban sa HK ay nagsisilbing proteksiyon para sa mga Filipino workers na hindi na part ng kanilang duties ang paglilinis ng labas ng bintana.
Sang-ayon ang lahat ng domestic workers sa HK sa bagong patakaran dahil karamihan sa mga bintana ng naturang bansa ay sinasabi ng mga OFW ay malalapad, malalaki, at delikado dahil nasa labas ng matataas na palapag.
Pero hinihiling lahat ng OFW sa HK na bigyan din ng pansin ang mga among nahulugan ng mga Pinay maids at namatay. Hanggang maaari ay huwag na uling bigyan ng maid ang mga among namatayan dahil sa paglilinis ng bintana. Katuwiran ng mga OFW may ibang amo na mahigpit na pinagpipilitan na nilisin ang delikadong bintana.
Sigaw din ng mga OFW na bigyan din ng hustisya ang mga namatay na Pinay sa HK dahil hanggang ngayon ay walang malinaw na balita kung anong nangyari sa kanilang mga kaso.
- Latest