Karaniwang problema ng mga magulang sa mga batang makulit at malikot ay ang mga “artwork” na iniiwan nila sa mga dingding o kaya’y mga muwebles. Hindi nga naman kasi kaaya-aya sa mga bisita kung may mga dingding kayong puno ng drawing. Imbes na mainis, alamin ang ilang tips para matanggal ang mga crayon marks sa dingding at mga kahoy na muwebles sa bahay.
Para matanggal ang crayon drawings sa dingding, punasan lamang ito ng basang basahan na binudburan ng baking soda. Kung sa kahoy na muwebles naman ang problema, gamitan lang ito ng toothpaste para matanggal ang mantsa.
Hindi lang panglinis ng ngipin ang toothpaste dahil marami rin itong gamit. Maging ang baking soda hindi lamang ginagamit na panggamot dahil mabisa rin itong panlinis.
Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!